Brandon Vera reresbak sa ONE Championship

Brandon Vera reresbak sa ONE Championship

January 15, 2022 @ 2:19 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Targert ni dating ONE heavyweight world champion Brandon Vera na bawiin ang naagaw niyang titulo sa loob ng ONE Championship cage ngayon taon.

Si Vera, na may hawak na MMA record na 16-9, ay galing sa second-round technical knockout na pagkatalo kay Arjan Singh Bhullar noong Abril sa ONE: DANGAL kung saan naagaw ang kanyang gold-plated strap.

Nais umanong patunay ni Vera na may ibubuga pa siya sa edad na 44,  at nais umano niyang bumalik sa ibabaw ng octagon bago matapos ang taon.

“Ito ay talagang isang kapana-panabik na oras upang maging bahagi ng ONE Championship at ipinapangako ko na babalik ako sa ONE Circle sa lalong madaling panahon,” sabi ni Vera.

“I can imagine that being in the third or fourth quarter of this year, but you bet, I am looking forward to ramping up my training again.”

Pinapirma ng ONE Championship ang ilang magagaling na heavyweights habang namamahinga si Vera kasama ang isa sa pinakadakilang jiu-jitsu practitioner sa lahat ng panahon na si Marcus “Buchecha” Almeida.

Ayon kay Vera sabik na siyang makabalik sa laban at plano niyang talunin ang sinumang haharang sa kanyang landas upang mabawi ang titulo sa mundo.

“I’m very proud, personally, to be a heavyweight representative of ONE Championship. Ang talent pool ay patuloy na lumalaki dito sa ONE,” pahayag ni Vera.

“Ako naman, babalik ako at wala na akong ibang maisip kung hindi bawiin ang nararapat sa akin.”JC