Brave Girls, AleXa at Golden Child, present sa Korea Gayoje sa NYC

Brave Girls, AleXa at Golden Child, present sa Korea Gayoje sa NYC

July 20, 2022 @ 12:29 PM 4 weeks ago


New York City, UNITED STATES – Pinainit ng mga Kpop groups na Brave Girls, Golden Child at AleXa ang Korea Gayoje, isang Korean music festival sa Estados Unidos.

Ito ay naganap sa Central Park’s Rumsey Playfield, New York City at inorganisa ng Korean Cultural Center – NY at Capital One City Parks Foundation na isang annual event upang ipakilala ang Korean culture sa iba’t ibang bansa.

Ngayong taon, naimbitahan ang Brave Girls, AleXa at Golden Child para sa naturang event na napatunayan na rin ang kanilang kasikatan hindi lamang sa Korea kundi maging sa abroad. RNT/JGC