BRAVE GIRLS’ Yujeong nagdonate ng 10M won sa forest fire victims

BRAVE GIRLS’ Yujeong nagdonate ng 10M won sa forest fire victims

March 22, 2022 @ 1:56 PM 3 months ago


SEOUL, South Korea – Hindi lang talented and pretty kundi with a heart pa!

Ito ang ipinamalas ng miyembro ng sikat na Kpop girl group na BRAVE GIRLS matapos na magdonate ito ng 10 million won o mahigit kalahating milyong piso sa mga biktima ng forest fire sa South Korea.

Ayon sa Community Chest Korea, ang BRAVE GIRLS member na si Yujeong ay nagbahagi ng 10 million won o nasa 8,193 US dollars upang magsilbing ayuda sa mga naapektuhang residente ng forest fire sa Gyeongsangbuk-do at Gangwon-do.

Ang donasyong ito ng BRAVE GIRLS member ay gagamitin umano para sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga residente na nawalan ng tirahan sa matinding forest fire na sumiklab noong mga nakaraang linggo.

“For this donation, I think of it as a donation made by Brave Girls’ official fan club ‘Fearless’, instead of me. I, as well as all our fans, wish the victims a fast recovery in their daily lives,” pahayag ni Yujeong sa naturang donasyon.

Matatandaan na namayagpag ang career ng grupo noong nakaraang taon dahil sa nag-trending nilang awitin na ‘Rollin’ na sinundan pa ng hit songs na ‘Chi Mat Ba Ram’ at ‘We Ride’. RNT/JGC