Brawner sa mga sundalo: ‘Keep morale high’

Brawner sa mga sundalo: ‘Keep morale high’

January 29, 2023 @ 12:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga sundalo na panatilihin mataas ang kanilang morale sa kabila ng mga kontrobersiya na bumalot sa ahensya.

“We are being bashed by a lot of people, especially because of some activities that a few of our members have done,” ani Brawner sa mga tropa, kasabay ng change of command ceremony ng 10th Infantry Division (10ID) ng Philippine Army.

“But I would like to reach to you, let us remain professional. Let us focus on our jobs, give the best we can. Always maintain the culture of excellence,” dagdag niya.

“Huwag tayong masyadong makinig sa ingay sa labas. Huwag tayong ma low morale.”

Kasabay ng mensahe nito, hindi naman nagbanggit si Brawner ng mga pangalan o tinukoy na insidente.

Sa kabila nito, matatandaan na dalawang araw bago nito ay naghain ng reklamo ang pulisya laban sa pitong Army personnel at tatlong sibilyan dahil sa pagpatay sa negosyante at model sa Davao City na si Yvonne Chua Plaza noong Disyembre 29.

Ang 10 ID command ay kinabibilangan ng 1001st Infantry Brigade na nasangkot sa mga kontrobersiya kamakailan dahil sa alegasyon laban kay Durante, Licyayo at lima iba pang sundalo. RNT/JGC