 |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Upang mapawi ang nararanasan mong kabalisahan ngayon, manalangin ka. Huwag mong masyadong intindihin ang mga basher mo. Ang totoo, ang ginagawa nila ay ‘mistulang paghanga’ sa iyo. ‘Yun nga lang ay may kaakibat na inggit at selos dahil hindi nila kaya ang ginagawa mo. Sa halip na magmukmok, gawin mo silang inspirasyon at magpasalamat dahil napapansin ka ng mga taong ito.
|
 |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Gaganda ang kapalaran ngayong taon kung lalo pang magsusumikap. Huwag kang mainip sa pagdating ng tagumpay. Dahil kung gaano ka kaytagal naghintay, gayundin tatagal ang pagdaloy ng biyaya. Ituloy mo ang mga gawaing nakapagbibigay saya sa iyo na hindi labag sa kalooban ng tao at kalooban ng Diyos.
|
 |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag ka nang tataya sa lotto. Disin sana’y ang mga naitaya mo ay naipambili na ng isang kabang bigas at bagong appliances. Wala rito ang suwerte mo. Ang buwenas ay nasa kamay mo, nasa masipag mong kamay, pansensiya at dedikasyon sa trabaho. Ang naitabi mong ekstrang pera ay ipuhunan mo sa small business kahit sari-sari store lang.
|
 |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Walang kulay o araw ang maituturing na suwerte o malas sa iyo ngayon. Lahat ay balanse. May magaganap sa iyong buhay na hindi mo inaasahan. Subalit ito ay sa positibong paraan. Ang pagtitinda ng mga kakanin kasama ang ilang close friends ay papalo kung magtutuloy-tuloy.
|
 |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung anong kulay ang babagay sa iyong balat, iyon ang gamitin sa alinmang damit na iyong isusuot. Ang puti ay kulay ng kalinisan at iyon ang para sa iyo. Ito ang suutin mo sa isang dadaluhang pagtitipon at doon ay papasok sa iyo ang bagong oportunidad sa career at pag-ibig.
|
 |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Mahaba pa ang lalakbayin upang matupad ang iyong mga pangarap. Ngunit, kung itatanim lamang ay kabutihang-loob at pagpaparaya, ikaw ay tuluyan nang magiging maligaya. Kalimutan mo na ang hinanakit at paglingon sa dating pag-ibig. May bagong darating na iyong mamamahalin at mamahalin ka rin naman ng totoo.
|
 |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Magiging magaan ang iyong dadamin kung paninindigan mong ngumiti ngayon. Kahit hindi mo gusto ang karakas ng pagmumukha ng mga nakakasalubong mo. Maghahatid ito ng good vibes. Kaya, magtataka ka na lang na magaan ang loob ng tao sa iyo.
|
 |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang ikapagtatagumpay ng iyong business ay nakasalalay sa sariling disposisyon. Higit sa lahat ang labis na tiwala sa Maykapal. Kung nasaan ang puso’t pag-iisip ay dumoon ka upang makamit mo rin ang inaasam na tagumpay.
|
 |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung nais mong magnegosyo ng tungkol sa pagkain, tama ang ibig mo na ito. Gayunman, huwag mong payagan na ang ipupuhunan mo rito ay mula sa utang. Dapat ay mula sa ipon o mula sa paluwal ng isang mapipisil na partner. Magiging maganda ang takbo ng bisnis mo kapag ganito.
|
 |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung may offer sa iyo o alok na sideline, part time o full time na trabaho, sunggaban mo dahil dito magiging maalwan ang buhay mo. Bagama’t medyo may kahirapan, magiging masaya ka naman at may inaasahan kaysa sa wala.
|
 |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Kung nag-aaral ka at nais magtrabaho, tiyaking mababalanse mo ang mga ito. Sapagkat, kung hindi ay maapektuhan ang isa at kailangan mong mamili ng pagtutuunan ng pansin. Makakaya mo namang gampanan iyan kung pahahalagan mo ang bawat oras at maging focus sa oras ng pag-aaral at trabaho.
|
 |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Hindi basehan ng tagumpay ng isang tao ang mga materyal na bagay. Bagama’t iyan ay talagang nagbibigay ng malaking ginhawa, may panahong malalagay rin ang iba sa kagipitan. Ang kailangan mo ay staying power upang ‘di maputol ang agos ng mga pagpapala at biyaya sa iyo. Manatiling humble at magtiwala sa Diyos.
|