Brenda Mage at Alexa, nagharap na sa outside world!

Brenda Mage at Alexa, nagharap na sa outside world!

January 12, 2022 @ 3:17 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Finally, matapos ang puro virtual na sagutan, nagharap na face to face sina Alexa Ilacad at Brenda Mage.

Pero sa halip na magbangayan ang dalawang ex PBB housemates, mukhang nauwi sa biruan at katuwaan ang paghaharap.

Makikita ito sa FB post ng comedian kung saan may compilation siya ng photos niya with other PBB housemates.

Marami ang natawa sa photos nila ni Alexa na pabiro siyang sinasakal na sinabayan naman ng mukha ni Brenda na mukhang nasasaktan.

“Siguro naman tapos na ang issue no?”,

“Its nice to see all of you. Kahit ano man nangyari sa loob ng bahay, good to know na nabuo niyo pa rin ang friendship sa outside world”, at “Naku, ‘wag lang kami makakarinig ng kuda na naman ni Brenda about Alexa, maka-cancel ka ulit namin”, ilan sa comments ng netizen sa photos ni Alexa at Brenda.

Awww. Issue no more? Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio