Brenda Mage, nag-sorry sa mga nasaktan!

Brenda Mage, nag-sorry sa mga nasaktan!

January 5, 2022 @ 5:45 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nag-sorry ang “Pinoy Big Brother” ex-housemate na si Brenda Mage sa lahat ng mga nasaktan niya.

Nag-post pa si Brenda ng kanyang old pic sa kanyang FB page para ipakitang ganu’n talaga ang ugali niya kahit noon pa.

“Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao.

“Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko [I am sorry]. Eto talaga ako eh,” sabi pa niya.

FYI, maraming nakasagutan na housemates si Brenda nu’ng nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya. Isa nga si Alexa Ilacad sa mga nasaktan at nagbigay ng hanash sa ugali ni Brenda. Nalaman kasi ni Alexa ang mga masasakit na comments na pinakawalan sa kanya ni Brenda.

Inokray din ng mga netizens si Brenda at inakusahan ng sexual harassment dahil sa mga tanong at paramdam niya sa kanyang dating housemate na si Eian Rances.

Si Brenda ay kasama sa last batch ng mga evictees sa celebrity season ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang top 2 winners ng nasabing reality program. Joey Sarmiento