Brenda nag-demand kay Eian: Pansinin mo’ko, awang-awa nako sa sarili ko

Brenda nag-demand kay Eian: Pansinin mo’ko, awang-awa nako sa sarili ko

December 14, 2021 @ 9:25 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Mukhang na-bad trip ang comedian na si Brenda Mage sa mga tao sa outside world.

Hindi na kasi ito nakapagpigil at nagbitiw na nga ng hinanakit sa kapwa housemate na si Eian Rances.

“Alam mo bang wala ka nang oras? Hindi ko sinasabing dapat may oras ka sa akin. Parang hindi na ako nag-e-exist sa ‘yo. Parang nakalimutan mo namang nandito pa ako. Hindi pa ako evicted. Para akong wala na sa paningin mo, sa totoo lang.

“Hindi ko sinasabing pansinin mo ako lagi. Awang-awa na ako sa sarili ko para i-comfort sarili ko,” pag-open nito kay Eian sa isa sa mga episodes ng PBB: Kumunity Season 10 na kinabwisit ng karamihan.

Dahil dito, ibinalik ngayon ng netizens ang masasakit na salitang sinabi ni Brenda sa likod ni Alexa Ilacad.

Tinawag niya kasi ang aktres na parang tanga at desperada.

Sigaw ng netizens, “Sinong mukhang tanga at desperada ngayon?”

Bukod dito, tampulan na rin ng tukso ngayon si Brenda sa social media. Base kasi sa obserbasyon ng mga manonood, wala naman talagang something between him and Eian, na malamang eh nag-assume lang talaga siya.

“Mukhang baliw si Brenda sa kalye tapos gano’n pa ipit ng buhok nya hahaha tapos nagpunta kila Sam and Aly, naghahanap ng kakampi HAHA”, “Akala niya siguro may loveteam sila sa labas ng bahay ni kuya!”, “Luh? Gago ba ‘yan?”, “Lilipas din yan Brenda, mag-demand kahit wala kayong label”, ilan sa mga pang-iinsulto ng netizens na ang ilan ay kinwestyon pa ang sanity niya.

Hay. Saan kaya hahantong ang love story na ‘to? Char. Assuming lang ba talaga si Brenda o may naipahiwatig si Eian na hindi lang natin naramdaman?

Bukod sa bashing, bumagyo ng BBE Brenda comments na nangangahulugang gusto na ng taumbayang mapalayas siya sa Bahay ni Kuya.

Sino kaya ang next na lalabas ng bahay?

Hello Kuya, ano po masasabi niyo dito? Hehe. Paula Jonabelle Ignacio