Bretman Rock, pasok sa Disney!

Bretman Rock, pasok sa Disney!

September 17, 2021 @ 1:07 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pang-international talaga ang appeal ng Pinoy-American na internet sensation na si Bretman Rock.

Kinuha siya ng ng Disney+ na mapabilang sa mga bigating guest star na magbo-voice sa “The Proud Family: Louder and Prouder” na magpi-premiere sa 2022.

Ini-announce mismo ito ni Bretman sa kanyang Instagram at itinampok naman ng CNN Philippines ang post n’ya. “Multimedia giant” ang bansag sa kanya ng CNN Philipines.

Ang iba pang maggi-guest voice sa animated series ay sina Eva Longoria, Jane Lynch, Jaden Smith, Gabrielle Union, at Brenda Song.

Ang “The Proud Family: Louder and Prouder” ay revival ng popular animated series na  “The Proud Family” na itinanghal sa Disney Channel 20 years ago.

Ang lahat ng seasons ng original show na nagsara nung 2005 ay  available pa sa Disney+.

Magsisimula ang rebooted series kung saan ito tumigil sa pagsubaybay sa kwento ng buhay Penny Proud at ng pamilya n’ya, ayon sa report ng CNN Philippines.

Ilan sa orihinal na miyembro ng cast ay iri-reprise ang role sa animated series. Isa sa mga ito ay si Kyla Pratt, the voice behind central character Penny Proud.

The revival is now in production at Disney Television Animation. Danny Vibas


  •  
  •  
  •