Brgy. kagawad utas sa riding in tandem sa Cagayan

Brgy. kagawad utas sa riding in tandem sa Cagayan

August 4, 2022 @ 7:16 PM 2 weeks ago


PIAT, CAGAYAN-Patay ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng mga hinihinalang riding in tandem criminal sa Macapil, Piat, Cagayan.

Pauwi na lamang sa kanilang bahay bandang 6:30 ng gabi na sakay ng kanyang kabayo ang 61 anyos na biktimang si Fernando Masam y Gorospe.

Habang binabagtas ang NIA Road sa boundary ng Purok 6, Bulagao, Tuao at Macapil, Piat ng tambangan siya at pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang salarin na magkaangkas sa motorsiklo at pawang nakasuot ng helmet.

Nadaanan ng kanyang dalawang kababayan si Masam na nakabulagta at wala ng buhay na naliligo sa kanyang sariling dugo.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyong bala ng gauge 1 shotgun at isang unit ng caliber 357 na baril na may limang bala.

Hanggang sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya sa pananambang sa barangay opisyal. Rey Velasco