‘Brigada Pagbasa’ umarangkada sa Navotas

‘Brigada Pagbasa’ umarangkada sa Navotas

August 10, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakiisa si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa mga mag-aaral ng Kapitbahayan Elementary School sa kanilang Brigada Pagbasa. Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga mag-aaral na mawili sa pagbabasa.

“Mahalaga po na habang bata, sanayin na po natin ang ating mga anak na magbasa. Sa pagbabasa, mas nahahasa at lumalawak ang kanilang imahinasyon at pagiging malikhain, ang kanilang critical thinking at problem-solving skills, pati na ang kanilang personalidad at karakter,” pahayag ni Tiangco. Jojo Rabulan