‘Bring Your Own Bote’ store, binuksan sa Kyusi

‘Bring Your Own Bote’ store, binuksan sa Kyusi

February 28, 2020 @ 8:34 AM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Quezon City, Philippines – Inulunsad ng Quezon City Government katuwang ang Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) ang pinaka-unang refilling station sa siyudad upang makatulong sa pagbabawas ng plastik.

Ang Bring Your Own Bote (BYOB) ay isang zero-waste facility kung saan magdadala ang mga residente ng sarili nilang lalagyan o bote upang makabili ng rikado tulad ng suka, toyo, at mantika.

Gawa ang naturang tindahan sa eco-bricks sa pakikipagtulungan ng NutriAsia Inc. at QC Environment Protection and Waste Management Department.

“This initiative is part of the city’s strong commitment to environmental sustainability. We are glad that NutriAsia chose us to be the first local government unit to engage with in this eco-friendly initiative,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Kamakaila’y inaprubahan ni Belmonte ang Ordinance No. 2876 na nagbabawal sa paggamit ng single-used plastics at iba pang disposable materials, kasama sa kautusan ang mga restaurants at hotels sa lungsod.

Matatagpuan ito sa compound ng Quezon City Hall, bukas ito sa publiko mula ala-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Remate News Team|Eleane Melendez

 


  •  
  •  
  •  

Loading...