Briones oks kay Sara bilang sunod na education chief

Briones oks kay Sara bilang sunod na education chief

May 12, 2022 @ 7:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Welcome kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped).

Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.”

Kapuwa nanguna sina Marcos at Duterte sa katatapos lamang na halalan sa bansa. Si Marcos, sa pagka-pangulo habang si Duterte naman ay bilang bise-presidente.

“I welcome the announcement by Presidential frontrunner Bongbong Marcos that incoming Vice President Sara Duterte will concurrently serve as Department of Education Secretary,” ayon sa Kalihim.

Tiniyak nito na siya at ang kanyang buong DepEd family ay handang makipagtulungan sa team ni Sara Duterte para sa maayos na transition ng DepEd leadership.

Aniya pa rin, iti-turn over nila ang Basic Education Plan 2030, unang pagkakataon kung saan ang outgoing administration ay maiiwan ang medium-term plan.

“We are confident that DepEd will be in able hands and anticipate a continuity,” ayon kay Briones.

Samantala, pumayag naman si vice presidential frontrunner Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd).

“I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes, should I be proclaimed. That is that our incoming vice president has agreed to take the brief of the Department of Education,” ayon kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. araw ng Miyerkules sa isang televised speech.

Ani Marcos, isa sa kanyang mga dahilan kung bakit itinalaga niya si Duterte bilang susunod na Education secretary ay dahil sa naging gampanin nito (Duterte) bilang ina na nagnanais na “make sure that her children are well-trained and well-educated.”

“That’s the best motivation that we can hope for. So that is the first announcement that I can make that has come out of this process,” ayon kay Marcos. Kris Jose