Briones sa mga guro: ‘Wag gumawa ng makapagdedelikado sa online studes

Briones sa mga guro: ‘Wag gumawa ng makapagdedelikado sa online studes

March 1, 2022 @ 12:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga teaching at non-teaching personnel na tiyakin na hindi sila gagawa ng kahit na anumang bagay na ikapapamahak ng mga mag-aaral lalo na sa online.

“As a child-learning institution, DepEd personnel must ensure that in the discharge of their function, they should not do any harm or facilitate any danger to our learners even in cyberspace,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones sa isinagawang webinar, araw ng Lunes, Pebrero 28, bilang pagdiriwang ng Safer Internet Day Philippines (SIDPh) 2022.

Inorganisa ng Child Protection Unit (CPU) ng DEpEd, ang webinar ay may temang “CRC Next Level: Click, Respect, Connect, Ligtas na Ugnayan Online.”

Nakatutok ang webinar sa “child safeguarding” sa mga eskuwelahan, pagpo-promote ng child online protection at digital literacy sa school environment.

“The right to be safe in the online environment is part of DepEd’s rights-based education framework under the dimension of the right to respect and integrity in the learning environment,” ani Briones.

Sinabi ng Kalihim, ipinapakita ng DepEd ang commitment nito na i-promote ang “safe online space for learners via its various policy issuances, programs on cyber safety, the creation of DepEd CPU, and the various engagements with civil society groups and the private sector.”

Idinagdag pa ni Briones na ang DepEd ay kaisa sa pagdiriwang ng 2022 SIDPh “as we move forward in education, as we deal with what we describe as the ‘new normal,’ as we catch up with what we purportedly lost or left behind in the progress or technology and for science, and other wonderful new ways of learning.” Kris Jose