Briones sa mga kabataan: ‘Wag lang mga trahedya, tagumpay ng Pinas, alalahanin din

Briones sa mga kabataan: ‘Wag lang mga trahedya, tagumpay ng Pinas, alalahanin din

April 27, 2022 @ 8:19 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang pag-alala sa nakaraan ay dapat na patuloy na isulong at ang aral nito ay dapat na ituro sa mga kabataan.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones kasabay 501st commemoration ng tagumpay ng Battle of Mactan.

Sa isang virtual symposium, araw ng Martes, binigyang diin ni Briones ang kahalagahan ng tagumpay ng Philippine hero na si Lapulapu laban sa Spanish colonizers, pinangunahan ni Portuguese explorer Ferdinand Magellan.

Binigyang diin ni Briones ang kahalagahan na ituro ang “winning moments” sa Philippine history sa younger generation.

“I believe that we should teach our children not only our tragedies, not only our sad history, not only our unhappiness as a people, but celebrate our victories as well, and we do have victories of which the battle of Mactan is one of the greatest,” anito.

“Equally important, is spreading awareness about the Filipino narrative of Lapulapu’s heroic act, and doing away with the former “eurocentric, demonizing image of him who killed the explorer who brought Christianity to the Philippines.” ayon sa Kalihim.

“This is why I initiated the holding of this webinar, so we can discuss the various aspects of the role of Lapulapu in our history as Asian peoples, and as a nation… I’m happy that we are claiming the narrative of Lapu-Lapu and his people, Lapu-Lapu is not the villain, Lapu-Lapu is the hero,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, sinabi ni Briones, na sa tulong ng technological innovation sa pamamagitan ng blended teaching approach, ang mga kabataan sa ngayon ay “better equipped not only to face the demands of the future but also to cherish the lessons of the past.”

“A blend of a change in the role of the teachers, and parents, as well as the community, which would include face-to-face classes, so we should not be late for the future. We should not also forget the past,” ayon kay Briones.

Umaasa naman ang Kalihim para sa bansa na patuloy na alalahanin ang “now famous Battle of Mactan” kahit pa matapos na ang kanyang terino. Kris Jose