Britney, na-bash sa nakakadenang tigre!

Britney, na-bash sa nakakadenang tigre!

February 5, 2022 @ 4:05 PM 8 months ago


Maui, Hawaii – “On the prowl!” (Gumagala!)

‘Yan ang bungad ng report ng isang international website sa latest video ni Britney Spears, 40, na ipinost n’ya sa kanyang Instagram ilang araw lang ang nakaraan.

Makitid na nga ang ibabang bahagi ng kanyang yellow gingham bikini, inirorolyo pa n’ya ito pababa na para bang nagbabantang ipakikita na n’ya ang lahat. (Pero itinitigil naman n’ya ang pagrolyo nito ‘pag nararamdaman n’yang malapit nang sumilip ang ‘di dapat ipakita!)

Sa ibang bahagi ng video ay paseksi siyang lumalakad sa tubig sa dalampasigan.

Kuha ang mga larawan sa pagbabakasyon n’ya sa Maui island sa Hawaii nu’ng mga huling araw ng Enero.

Ayon sa report ay parang ‘di kasama ni Britney sa bakasyon na ‘yon ang boyfriend n’yang si Sam Asghari, 27, pero nag-comment ito ng pagpapabor sa mga pang-aakit ni Britney sa pamamagitan ng simpleng comment na “Lioness.”

At kaya ganu’n ang comment ng fiance n’ya ay dahil isinasalit ni Britney ang video ng paglalakad n’ya sa beach sa paglalakad naman ng isang nakataling napakalaking Siberian tiger.

Ipinagpalagay ng ilang netizens na ang pagsasalitang lakad ni Britney at ng tigre ay metaphor (paghahambing) ng singer sa kalayaan n’ya buhat sa 13 taon ng diktadurya ng ama n’ya bilang conservator ng mga ari-arian at pananalapi nu’ng panahong ipinasya ng awtoridad na may mental health problems ang Hollywood pop superstar.

Bagama’t may mga netizen na sumang-ayon sa metaphor ni Britney, kinastigo pa rin nila ito sa paglalabas ng video ng nakakadenang tigre.

Bulalas ng isang netizen, “These lions and tigers needs to be as free as you. Big cats will not be pets.”

Nu’ng January 7, nude photos naman ni Britney ang inilabas  n’ya sa kanyang Instagram. Danny Vibas