Britney Spears, malaya na!

Britney Spears, malaya na!

November 16, 2021 @ 9:56 AM 2 weeks ago


Hollywood, USA – Matapos ang pag-anunsyo ng pagtatapos ng conservatorship, ipinaabot ng American singer/song writer/dancer sa fans nito ang taos pusong pasasalamat sa mga ito.

“Good God I love my fans so much it’s crazy!!! I think I’m gonna cry the rest of the day!!!! Best day ever… Praise the Lord… Can I get an Amen? #FreedBritney,” latest Tweet ni Spears na may naka-attach na video ng fans na nagdiriwang sa kanyang pagiging malaya.

Labing tatlong taon rin kasi niya itong hinintay, hindi lamang ng mismong singer kundi pati na rin ng mga fans nito na todo ang suporta sa kanya eversince.

Sa wakas kasi ay magkakaroon na siya ng kalayaan sa medical decisions, pagpirma ng mga kontrata, at paggastos ng sariling pera.

Bukod dito ay sinimulan na ni Britney ang legal battle sa mga taong kumontrol sa kanyang buhay at pera. Kabilang na dito ang kanyang ama at former conservator, si Jamie Spears, at ang former business manager nito na si Lou Taylor.

Hay, freedom is everything talaga. Cheers, Britney Army! Paula Jonabelle Ignacio