Briton tiklo sa porn website na nambibiktima sa Pinoy minors

Briton tiklo sa porn website na nambibiktima sa Pinoy minors

September 19, 2022 @ 9:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang British national sa Tangub City sa Misamis Occidental sa umano’y pangangasiwa sa pornographic website kung saan ini-expose ang mga menor-de-edad na Pilipino.

Kinilala ang suspek na si John Crotty at naiulat na pumasok sa Pilipinas noong Pebrero 6, batay sa ulat ng UK National Crime Agency sa British Embassy.

Mayroon umanong dating karelasyon si Crotty na isang Pinay, subalit naghiwalay na ang mga ito.

Nahuli si Crotty—na hindi nagbigay ng pahayag ukol sa isyu—ng Bureau of Immigration at kasalukuyang nasa kustodiya ng ahensya.

Susunduin siya ng British authorities, at mahaharap sa mga kaso sa United Kingdom. RNT/SA