Brod Pete, sawa na sa comedy, nagretiro sa showbiz!

Brod Pete, sawa na sa comedy, nagretiro sa showbiz!

August 4, 2022 @ 5:29 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – It takes a great amount of humility for any celebrity na umaming tapos na ang kanyang panahon.

Sa madaling salita: laos.

Nakakabilib nga ang komedyanteng si Herman “Isko” Salvador o higit kilala bilang Brod Pete.

Sa kanyang Facebook nitong Miyerkoles, August 3 ay inanunsyo ni Brod Pete na goodbye showbiz na siya.

Ito’y makaraan ang 43 taon sa pagiging writer at komedyante.

“Nakakasawa na rin,” pag- amin niya.

Isko started as a comedian noong John en Marsha days pa.

Pero mas tumatak ang tawag sa kanya bilang Brod Pete when he joined Bubble Gang.

Bagama’t nagretiro na siya sa showbiz ay magiging abala pa rin daw si Isko.

Aniya, ipu-pursue niya ang kanyang singing career at online comedy writing sa mga nagnanais magsulat.

‘Yun nga lang, tila hindi sineseryoso ang desisyon niyang mag-quit sa showbiz dahil hinahaluan niya ito ng comedy.

Naisip din ni Isko na pumalaot sa pulitika pero nabigo siyang manalong Konsehal sa Marikina City ng nakaraang eleksyon.

Masasabing iba ang brand of comedy ni Isko: hindi slapstick! Ronnie Carrasco III