Brownlee, bumida sa Gin Kings kontra Aces…RoS, idinaan sa OT ang Bolts

Brownlee, bumida sa Gin Kings kontra Aces…RoS, idinaan sa OT ang Bolts

June 25, 2018 @ 9:25 AM 4 years ago


PBA – Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Barangay Ginebra sa 28 points nito para talunin ang Alaska Aces 105-86.

Nag-ambag ng 12 points si LA Tenorio habang mayroong 10 points sina Japeth Aguilar at sol Mercado.

Patuloy naman ang pag-aakyat ng Ginebra sa top teams matapos nitong makuha ang pang-anim na puwesto kasama ang Global Port.

Mayroon namang 7-3 win-loss record ang Aces na nasa pangalawang puwesto kasama ang TNT Ka-Tropa.

Sa iba pang laro, umabot pa sa overtime game bago tuluyang nasilat ng Rain or Shine Elasto Painters ang panalo kontra Meralco Bolts 106-99.

Pinangunahan ni Reggie Johnson ang RoS sa 21 points nito habang mayroong 20 points si Maverick Ahanmisi at 13 points naman ang nagawa ni Chris Tiu.

Ikinatuwa naman ni Rain or Shine coach Caloy Garcia ang panalo dahil muli nilang nalusutan overtime game. (Remate News Team)