Brownlee, ganap nang Filipino, nanumpa sa Senado

Brownlee, ganap nang Filipino, nanumpa sa Senado

January 16, 2023 @ 7:55 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ganap nang Filipino citizen si Justin Donta Brownlee matapos itong manumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas kay Senador Francis “Tol” Tolentino sa isang special ceremony sa Senado nitong Lunes, Enero 16.

Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ni Brownlee ang lahat ng sumuporta sa kanyang landas na maging ganap na Filipino citizen sa pangunguna nina Tolentino at Senador Sonny Angara na naghain ng panukala sa kanyang hangarin.

Aniya, lubhang hindi kapani-paniwala ang kanyang tinahak na landa matapos itong tumanggap ng malawak at malakas na suporta mula sa mamamayang Filipino partikular sa ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan at Senado.

“As a citizen, I will try my best to make the Filipino people and everybody proud. I want to keep making you guys proud and do whatever I can to help the national team,” ayon kay Brownlee.

Bukod kay Angara, pangunahing isponsor sa House Bill No. 6224 si Tolentino na inaprubahan ng Senado nitong Disyembre 12, 2022. Nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas nitong Enero 12.

Ibinigay ni Tolentino kay Bronwlee ang kopya ng RA 11937 kasama si Senador Chistropher Lawrence T. Go at JV Ejercito.

Inaasahang makakasama na si Brownlee sa koponan ng Gilas Pilipinas, ang national basketball team ng Pilpinas at makatutulong sa maging kuwalipikado sa International Basketball Federation (FIBA) World Cup at Southeast Asian Games later this year. Ernie Reyes