Brownlee sumabak sa ensayo sa Gilas

Brownlee sumabak sa ensayo sa Gilas

September 20, 2022 @ 12:54 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Habang hinihintay ang kanyang naturalization, sumabak na sa unang ensayo kasama ang Gilas Pilipinas si PBA import Justin Brownlee para sa kanilang November window ng FIBA World Cup Asian qualifiers sa buwan ng Nobyembre.

Ayon sa  Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP),  inaayos na nila ang mga dokumento ni Brownlee para maging naturalized player.

Kasamang naimbitahan sa unang araw ng ensayo si naturalized Filipino  Angelo Kouame.

Sumabak din sa ensayo ng Gilas sina Roger Pogoy, Calvin Oftana, Chris Newsome, Jamie Malonzo, Arvin Tolentino, Will Navarro , Francis Lopez at CJ Perez.

Haharapin ng Gilas ang Jordan sa November 10 habang ang Saudi Arabia naman sa November 13 na lahat ng mga ito ay gaganapin sa labas ng bansa.JC