Brownout aasahan sa mga susunod na araw – DOE

Brownout aasahan sa mga susunod na araw – DOE

May 31, 2021 @ 5:31 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Dahil sa mataas na demand ng kuryente magkakaroon ng mga brownouts sa Luzon ayon sa Department of Energy (DOE).

“There is a possibility that these Yellow and Red Alerts will still last for the next couple of days,” ani Energy Assistant Secretary Redentor Delola sa isang virtual briefing.

Ang Yellow Alert kung saan grid ay may thin reserves habang Red Alert naman kung kulang ang suplay ng kuryente.

Mula kaninang ala-una ng hapon nasa Red Alert na ang Luzon Grid.

Sa huling datos ang available capacity ay 11,729 megawatts mula sa tinatayang peak demand na 11,514 megawatts.

Ayon pa sa DOE kailangang mayroong tripleng backup ang mga vaccination site para sa mga bakuna.

“We also want to call on our partner facilities to have that triple backup system so as of now, since we have Red Alerts, that those facilities should have backup gensets and DOE should be properly informed how we can address any problems,” saad naman ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella. RNT/ELM