BRP Melchora Aquino darating na sa Hunyo uno!

BRP Melchora Aquino darating na sa Hunyo uno!

May 22, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahang darating sa Pilipinas sa Hunyo 1, 2022 ang MRRV-9702 o BRP Melchora Aquino mula Japan.

Sa kasalukuyan, naroon ang Philippine Coast Guard (PCG) inspection team para sa huling “harbor acceptance test and inspection” ng MRRV-9702 na kikilalanin bilang BRP Melchora Aquino.

Ayon sa PCG, sa Mayo 27 maglalayag ang naturang barko papuntang Pilipinas kung saan aabot ng limang araw bago ito dumating sa bansa.

Sinabi ni CG Commander Patrick Babag, Commanding Officer ng MRRV-9702 na mahalaga ang isinasagawang inspeksyon para masigurong “fully compliant” ang barko sa technical specifications na nakasaad sa kontrata.

Ang MRRV-9702 ay ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng PCG.

Naka-modelo ito sa Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard (JCG), may bilis na ‘di bababa sa 24 knots, at may endurance na ‘di bababa sa 4,000 nautical miles.

Noong ika-06 ng Mayo 2022, kinomisyon sa serbisyo ang unang 97-meter MRRV, ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).

Ayon kay Coast Guard Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, gagamitin ang dalawang barkong ito para mapalakas ang maritime security, maritime safety, maritime law enforcement, maritime search and rescue, at marine environmental protection capabilities ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden