Brutal na pagpatay kay Silawan, parte ng initiation rite ng fraternity

Brutal na pagpatay kay Silawan, parte ng initiation rite ng fraternity

March 27, 2019 @ 10:27 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Iniimbestigahan ng pulisya ang posibilidad kung ang brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu ay initiation rite ba ng isang lokal na fraternity.

Ayon kay Police Brig. Gen. Debold Sinas, direktor ng Police Regional Office (PRO) sa Central Visayas, kinukunsidera nila ang posibilidad na pagkakasangkot ng fraternity sa karumal-dumal na pagpatay ngunit hindi pa nakatutuklas ng ebidensiya.

Maging ang Commission on Human Rights (CHR) sa Central Visayas ay hindi iniaalis ang posibileng paggamit sa 16-anyos sa isang initiation rite. 

Ilang residente ng Sitio Mahayahay ang naniniwalang isang lokal na fraternity ang responsible sa krimen.

Magugunita na natagpuan ang bangkay ni Silawan sa isang bakanteng lote noong ika-11 ng Marso na tadtad ng saksak, tinanggalan ng dila, hinugutan ng lamang loob at binalatan pa ang mukha.

Makalipas ang ilang araw ay naaresto sa kaniyang bahay ang itinuturong suspek na dati umanong nobyo ng biktima.

Gayunpaman, sa mismong araw ng libing ni Silawan noong Sabado, pinalaya ng  Lapu Lapu City Prosecutor’s office ang 17-anyos na suspek base sa Omnibus Motion na inilabas ng piskalya dahil hindi umano sumunod sa legal na proseso ang pag-aresto rito.

Ayon sa presecutor’s office, invalid ang pag-aresto ng Bureau of Investigation (NBI) dahil wala itong warrant.

Bagaman nagulat at nalungkot ang pamilya Silawan sa pagpapalaya sa suspek, nais ng mga itong makulong ang binatilyo alinsunod sa tamang proseso nang matiyak na di mababasura ang kaso dahil sa technicality./Remate News Team