Bruton malaki ang inaasahan kay Sotto

Bruton malaki ang inaasahan kay Sotto

January 13, 2022 @ 10:26 AM 1 week ago


MANILA, Philippines — Inaasahan ni Adelaide coach CJ Bruton ang solidong produksiyon mula kay Kai Sotto sa pagbabalik ng aksyon ng 36ers sa Australia NBL sa susunod na linggo matapos ang magkasunod na pagpapaliban dahil sa problema sa COVID-19.

Aminado si Bruton na pabor ang mahabang pahinga sa ilang niyang manlalaro dahil si Sotto ay nagpapagaling pa ng sakit ng tuhod si  Dech naman ay nakabawi na mula sa injury sa quadriceps.

““I think it’s a double-edged sword. It does help with us getting a little bit closer to having Sunday on the floor and having everyone on deck,” ani Bruton sa Adelaide official podcast, Sixers Fix.

“Talagang bumalik si (Kai). Dahil nasa kanya ang lahat ng offseason, ipinakita niya ang kanyang kakayahan na maapektuhan ang laro hindi lamang sa defensive end kundi pati na rin sa offensive end,” dagdag nito.

Magbabalik sa aksyon ang Adelaide sa susunod na Martes laban sa Perth base sa updated schedule ng NBL  matapos sumailalim sa health protocol nang magpositibo ang ilang miyembro nito sa COVID-19 bago ang Bagong Taon.

Ito ang magiging ikalawang laro ni Sotto, na hindi nakapaglaro ng apat na sunod sunod na laro kasunod ng kanyang debut laban sa Cairns noong Disyembre 18 na nagkataong huling aksyon din nila sa ngayon.JC