BSKE ballot printing kasado sa Setyembre 20

BSKE ballot printing kasado sa Setyembre 20

September 16, 2022 @ 7:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang isang buwang panahon ng pag-imprenta para sa mga balotang gagamitin sa Disyembre 5 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na linggo.

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia, sa press briefing nitong Huwebes, na magpapatuloy ang paghahanda para sa botohan kung walang batas na nagpapaliban dito.

“Yesterday (Wednesday) in our en banc session, our instructions were very clear to the staff and officials, we just kept on preparing. Yesterday, Director (Teopisto) Elnas presented the look of the BSKE ballot and then we gave instructions on how to print the ballot from Sept. 20 to Oct. 20, which will be done in one month at the NPO (National Printing Office),” aniya.

Kapag naisabatas na ang batas na nagpapaliban sa botohan at naimprenta na ang mga balota, sinabi ni Garcia na magagamit ang mga balotang ito sa susunod na nakatakdang BSKE.

Aniya, kung mag-imprenta ng 92 milyong balota na may petsang Disyembre 5, 2022 binigyan diin ng poll chair na hindi ito masasayang dahil maiimbak ito sa NPO.

Maglalabas din aniya ng resolusyon na ang naka-print na balota ay magagamit sa halalan kung ito ay i-reset.

“Kahit election returns, non-accountable documents, walang masasayang, lahat ay gagamitin natin”, ani Garcia.

Sinabi ni Garcia na naghahanda na rin sila sa pagsasagawa ng filing ng Certificates of Candidacy (COCs) mula Oct. 6 hanggang 13.

“If by Oct. 5, there is no law yet, those looking to run in the BSKE should file their COC come Oct. 6,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni Garcia ay sa gitna ng pag-endorso ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation sa panukalang pagpapaliban sa halalan sa Disyembre para sa pag-apruba ng plenaryo.

Sa kabilang banda, ipinasa na ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang panukalang naglilipat sa paparating na barangay at youth polls sa Disyembre 4, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden