BSKE ballot printing sa 4 na rehiyon, 1 probinsya, tapos na

BSKE ballot printing sa 4 na rehiyon, 1 probinsya, tapos na

January 27, 2023 @ 2:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes, Enero 27 na nakumpleto na ang pag-imprenta sa official ballots sa apat na rehiyon at isang probinsya sa bansa.

Ito ay gagamitin para sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga balotang ito ay para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Caraga, Soccsksargen, Davao Region at probinsya ng Batanes.

“Per update of the printing committee, 15 percent of the projected ballot quantities have been printed,” mensahe ni Laudiangco sa mga mamamahayag.

Idinagdag din ng opisyal na dadagdagan pa nila ang mga pagdinig sa susunod na buwan ng Election Registration Board (ERB) para sa applications for registration na isinumite ng mga voter applicants.

“These are projected figures as the final quantity will be determined after the conduct of the Election Registration Board Hearings come February, to include all approved applications for this registration cycle, as well as those subject for inclusion/exclusion by the Courts. The 15 percent fully completed is comprised of the 4 regions subject of first deployment (BARMM, CARAGA, XI, XII and the Province of Batanes), with additional printings to be done, if any, per the results of the coming ERB Hearings,” dagdag pa ni Laudiangco.

Nagsimulang mag-imprenta ng balota ang Comelec noong nakaraang taon bilang paghahanda sana para sa nakatakdang December 5 election.

Sa kabila nito, pinirmahan bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang
Republic Act 11935 na nag-uusog sa BSKE sa Oktubre 30, 2023. RNT/JGC