BSKE postponement pirmado na ni PBBM

BSKE postponement pirmado na ni PBBM

October 13, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 2022.

Sa ilalim ng Republic Act 11935, sa halip na sa Disyembre ay gagawin na ang eleksyon sa huling Lunes ng Oktubre 2023.

Ayon sa batas, ang lahat ng incumbent barangay at SK officials ay mananatili sa pwesto hanggang sa mahalal na ang papalit sa mga ito o hanggang sa matagal at masuspinde sa ibang dahilan.

Magsisimula naman sa Nobyembre 30, 2023 ang termino ng mga bagong halal na barangay at SK officials.

Makalipas ang eleksyon sa susunod na taon, maghihintay ulit ng tatlong taon para sa susunod na eleksyon.

Sa pahayag naman ni Commission on Elections Chairperson George Erwin Garcia, sinabi nito na tutupad sila sa batas sa kabila ng kanilang paghahanda sa paparating na halalan.

“The Commission will release an announcement regarding an adjustment of the calendar of activities at the soonest possible time. We shall also revisit our existing and planned procurement contracts related to the barangay and SK elections and act accordingly with the best interest of all parties in mind,” ani Garcia.

“This postponement also gives this Commission an opportunity to further institute education and information programs for the benefit of our electorate and prospective barangay and SK election candidates,” dagdag pa. RNT/JGC