BSKE prep tatapusin ‘gang Mayo

BSKE prep tatapusin ‘gang Mayo

January 26, 2023 @ 11:47 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na inaasahang makumpleto ang lahat ng preparasyon para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ang mga paghahanda para sa darating na halalan ay nagsimula noong nakaraang taon dahil ang orihinal na iskedyul ng halalan ay noong Disyembre ngunit inilipat sa 2023.

“We hope that before May, the Comelec will be ready. Even though the election is still on October 30, earlier than May, the Comelec is 100 percent ready to conduct the election,” sabi ni Laudiangco sa  Laging Handa briefing.

Aniya, ipinagpatuloy  ang pag-imprenta ng mga balota mula noong nagsimula ito noong 2022.

Inihahanda na rin aniya ang iba pang materyales na gagamiti  sa halalan, ang thumbprint marker, ballpen, folder, paaralan.

Dagdag pa niya, hihilingin nila ang karagdagang P3 bilyong pondo .

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Okt. 10, 2022 ang batas na naglilipat sa Disyembre 2022 BSKE sa Okt. 30, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden