BSKE sa Oktubre tuloy na tuloy na! – Comelec

BSKE sa Oktubre tuloy na tuloy na! – Comelec

January 22, 2023 @ 11:54 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiyak nang matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Ito aniya ay base sa kanyang assessment sa sitwasyon at ng commission en banc.

Sinabi ni Garcia na ang pag-imprenta ng balota para sa October elections ay nagpapatuloy at inaasahan na matatapos sa Pebrero.

“That is really early — the earliest in the history of printing ballots. And that’s good so that we are at least prepared,” saad ni Garcia.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Hulyo 22 ang Republic Act No. 11935 na nagpapaliban sa barangay at SK elections sa Oktubre 2023 na dapat sana ay idinaos noong Disyembre 5, 2022.

Sa ilalim ng bagong batas, idadaos Ito sa Oktubre 30, 2023 at tuwing ikatlong taon pagkatapos.

Ang huling barangay at SK elections ay idinaos noong Mayo 2018. Jocelyn Tabangcura-Domenden