BSKE voters registration kasado na sa Dis. 9

BSKE voters registration kasado na sa Dis. 9

October 27, 2022 @ 10:02 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa Disyembre 9 hanggang Enero 31,2023, base sa pagkumpirma ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco.

Sa nasabing registration, bibigyan daan din ang buong pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP) sa National Capital Region (NCR) at pagkatapos ay magsagawa ng komprehensibong post-assessment ukol dito.

“Please note that the Commission, in its inherent power to extend the period for registration beyond January 31, 2023, ultimately intends to implement the RAP nationwide based on the lessons to be learned and challenges to be faced and hurdled in the NCR Pilot Testing.” saad pa ni Laudiangco .

Para sa local voter registration, ang mga kuwalipikadong mamamayan ay maaring magsumite ng documentary requirements at magpakuha ng biometrics sa Office of the Election Officer (OEO) o sa anumang satellite registration site na nakakasakop sa kanilang lugar .

Ang mga  overseas voters naman na nais lumahok sa BSKE ay kailangang ilipat ang kanilang registration mula overseas sa local .

Ayon kay Laudiangco mayroon sila hanggang Enero 31 upang maghain ng kanilang aplikasyon sa OEO sa kanilang lugar kung saan sila boboto. Jocelyn Tabangcura-Domenden