BSP: Inflation papalo sa 7.4%-8.2% sa Nobyembre

BSP: Inflation papalo sa 7.4%-8.2% sa Nobyembre

November 30, 2022 @ 10:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahang itutulak ng mataas na presyo ng kuryente, liquified petroleum gas (LPG), at ilang agricultural items, ang domestic inflation rate sa pagitan ng 7.4 porsyento at 8.2 porsyento para sa Nobyembre 2022.

Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Martes na ang mga nasabing factors ay nakontra lamang ng pagbaba sa presyo ng langis maging ang presyo ng karne at appreciation ng Philippine peso laban sa US dollar.

“More importantly, inflation is projected to gradually decelerate in the succeeding months as the cost-push shocks to inflation due to weather disturbances and transport fare adjustments dissipate,” anito.

Inihayag din na ang “timely implementation of non-monetary measures will also help temper price pressures in the months ahead.”

“The BSP continues to monitor closely emerging price developments to enable timely intervention that could help prevent the further broadening of price pressures, in accordance with the BSP’s price stability mandate,” dagdag nito.

Umakyat ang rate ng price increases sa 7.7 porsyento nitong Oktubre, pinakamataas mula Dsiyembre 2008, dahil sa pagtaas ng food at non-alcoholic beverage index.

Sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla nitong Martes na itinuturo ng mga senyales ang posibleng deceleration ng domestic inflation rate, kung saan inaasahan ang peak sa Disyembre 2022 o Enero 2023.

“These are the things that we’ve been watching all along, that the supply shock will bring about responses,” aniya.

“But what we are confident of is that we will be on a target-consistent path. And the moment you see it going down, it will continue to go down,” dagdag ng opisyal.

Subalit, binanggit niya na “it’s a question of when (the inflation will start to go down).”

“The highest year-on-year headline inflation is either this coming report or next month. We’re still confident that by middle of next year, July or August, inflation will be closer to 3 (percent) than to 4 (percent),” patuloy niya.

Ang inflation target ng pamahalaan ay sa pagitan ng 2 porsyento at 4 porsyento.

Hanggang nitong Oktubre, ang average inflation rate ay nananatili sa 5.4 porsyento. RNT/SA