BSP: P1K polymer bills mawi-withdraw sa mas maraming ATMs sa bansa

BSP: P1K polymer bills mawi-withdraw sa mas maraming ATMs sa bansa

January 28, 2023 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes na mas maraming automated teller machines (ATMs) sa buong bansa ang nagpapalabas ng P1,000 polymer banknotes.

Base sa BSP, hindi bababa sa 17,304 ATMs o 92% ng ATMs sa bansa ang ni-recalibrate ng mga bangko para magpalabas ng polymer bills hanggang nitong Disyembre 2022.

Sa bilang ng ATMs, may kabuuang 7,274 polymer-ready machines ang nasa National Capital Region.

“39 million or 7.8% of the total 1000 peso polymer banknotes have been available to the public as of end-November 2022,” anang BSP.

Nagpaalala naman ang central bank sa publiko, retailers at mga bangko na tumanggap ng nakatuping banknotes, papel man o polymer, dahil ang mga ito ay “legal tender” at magagamit para sa arawang payment transactions.

“If doubtful on the value and/or authenticity of a banknote, the public is encouraged to go to any bank for assistance. The bank will then submit the banknote to the BSP for examination,” dagdag nito. RNT/SA