BTOB member Minhyuk, may solo comeback!

BTOB member Minhyuk, may solo comeback!

June 12, 2022 @ 11:00 AM 3 weeks ago


SEOUL, South Korea – Inaabangan na ng BTOB fans ang inaasahang solo comeback ng miyembro ng grupo na si Minhyuk (HUTA).

Matatandaan na kahapon, Hunyo 9 ay inilabas sa official Twitter account ng BTOB ang artwork teaser image ng upcoming 2nd full album nito.

Intense blue color ang tema ng paparating na album ni Minhyuk na ‘BOOM’.

Matatandaan na noong 2019 ay naglabas na rin ng solo album ang BTOB member, ang ‘HUTAZONE’ na talagang nagpalitaw ng talent niya sa pagsusulat ng kanta.

Inaasahan na sa Hunyo 27 ang magiging release ng 2nd full solo album ni Minhyuk. RNT/JGC