BTS Army, nanawagang iboykot ang New Year’s Eve concert ng grupo!

BTS Army, nanawagang iboykot ang New Year’s Eve concert ng grupo!

November 17, 2020 @ 2:21 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – Isang grupo ng BTS fans sa South Korea, ang BTS Gallery Fan Union, ang nagpepetisyon sa kapwa BTS fan communities na iboykot nila ang nakaiskedyul ng New Year’s Eve live concert ng BTS sa Disyembre 31 sa South Korea, ayon sa Ilang entertainment websites sa South Korea.

 

Hindi naman sa BTS galit ang BTS Gallery Fan Union kundi sa Big Hit Entertainment, ang manager ng BTS, na siya ring producer ng ‘2021 New Year’s Eve Live’ concert.

 

Ang mahal daw kasi ng mga tickets at ang suspetsa pa ng Fan Union ay dahil ‘yon sa maraming guest performers sa show. Hindi naman daw sila intresado sa mga guest performer kundi sa BTS lang na ‘di na nakapag-concert nang may live auduence mula nu’ng Abril dahil sa pandemic. Sa BTS sabik ang Fan Union at hindi sa mga baguhang isisiksik ng Big Hit sa concert para mai-promote sila. 

 

Ayon sa Allkpop.com, ang presyo ay mula sa ₩154,000 KRW ($138 USD) at abot sa ₩275,000 KRW ($246 USD), depending on the package selected.

 

Sa Kintex Exhibition Center 1 sa Goyang City ng South Korea idaraos ang concert. Katabi lang ang Goyang ng capital city na Seoul. 

 

Tutol din ang Fan Union sa venue na ‘yon dahil maliit umano ito at ‘di angkop na pagdausan ng concert dahil isa itong exhibition hall. 

 

Ang mga guests na ini-announce na ng Big Hit ay ang grupong NU’EST, GFriend and ENHYPEN. Ang mga ito ay under sa Big Hit at may mga miyembro pang galing na sa iba’t ibang grupo na ‘di gaanong sumikat. Maaaring dagdagan pa ng Big Hit ang bilang ng guests na ‘di naman sikat. 

 

Worried ang miyembro ng Fan Union na iikli ang oras ng performance ng BTS dahil sa mga guest performer. 

 

May dagdag na angal pa ang Fan Union tungkol sa mga tiket na mga miyembro lang daw ng organisadong fan communities ang pwedeng makabili at kung anong klaseng mga tiket ang mapupunta sa isang fan club ay sa isang raffle diditerminahin. 

 

Ang pinakamatinding akusasyon ng Fan Union sa Big Hit ay ang pagiging ‘very greedy’ ng kumpanya. 

 

Magtagumpay kaya ang BTS Gallery Fan Union? Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...