BTS at Coldplay, may patikim na naman sa ARMYs!

BTS at Coldplay, may patikim na naman sa ARMYs!

September 14, 2021 @ 6:35 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – May aabangan na naman hindi lang ang mga ARMY kundi ang mga fans ng Coldplay!

Ito ay matapos na mag-release ang world class Kpop group na BTS kasama ang pamosong British rock band na Coldplay ng preview ng kanilang upcoming collaboration song.

Sa Tiktok account ng BTS, ipinasilip nila ang video ng grupo kasama si Coldplay frontman Chris Martin habang kinakanta ang kanilang paparating na kanta “My Universe.”

Naglabas rin ng kahalintulad na video ang Coldplay na makikitang suot ni Martin ang BTS crew jacket at suot naman nina Jungkook, Jin at Jimin ang Coldplay hoodies.

Kumpirmadong tuloy na tuloy na talaga ang paglalabas ng nasabing kanta na magiging parte ng upcoming album ng Coldplay na ‘Music of the Spheres’ na ilalabas sa October 15. RNT


  •  
  •  
  •