BTS fans, nanggalaiti sa ‘racist’ Pinoy vlogger

BTS fans, nanggalaiti sa ‘racist’ Pinoy vlogger

June 28, 2022 @ 12:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Gigil na gigil ang fans ng sikat na Kpop group na BTS sa isang Filipino vlogger.

Ito ay dahil umano sa racist remarks nitong ipinalabas sa official Tiktok account.

Sa video na ipinalabas ni Bryanboy, isang Filipino influencer at vlogger na mayroong milyon-milyong follower, sinagot niya ang tanong kung nakasalamuha o nakita na ba niya in person si BTS member ‘Taehyung’ o kilala sa tawag na V.

Ayon sa fans, tila ay nilibak niya ang BTS member nang sadya nitong maliin ang pagbigkas ng pangalan nito kung kaya’t nag-iba ang kahulugan ng pangalan ni Taehyung.

Kung akala niya ay nakakatuwa ang kanyang ginagawa ay nagpatuloy pa sa pagbibiro ang vlogger na kalaunan ay nagtrending hindi lamang sa Tiktok kundi maging sa Twitter.

Sigaw ng fans, i-report ang account ni Bryanboy. Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang sikat na vlogger/influencer. RNT/JGC