BTS, isinalba ang ‘mental health’ ni Lea Salonga!

BTS, isinalba ang ‘mental health’ ni Lea Salonga!

February 12, 2021 @ 2:38 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – Tampok na ulat ngayon sa media at entertainment websites ang pahayag ng Pinay Broadway star na si Lea Salonga sa kanyang Twitter question-and-answer session na, “BTS saves my mental health.” 

 

Hindi siya nag-elaborate kung paano isinalba ng pinakasikat ngayon na boyband sa mundo ang mental health n’ya dahil fill-in the blank lang ang tanong na ‘yon sa kanya. 

 

Posibleng ang ibig n’yang sabihin ay tuwing balisa siya o nabuburyong dahil laging nasa bahay, nanonood siya ng music video ng BTS. 

 

Nu’ng unang buwan pa lang ng 2020 ay inamin n’yang fan siya ng BTS at nang lumaon nga ay nag-miyembro siya ng ARMY, ang pangalan ng hukbo ng BTS fans na may mga chapters sa buong mundo. Nagalak siya sa desisyon n’yang ‘yon dahil nadiskubre n’yang maraming kaedad n’ya na ARMY member din. 

 

Paminsan-minsan ay nagpu-post siya sa Tweeter ng papuri sa BTS o sa isa o dalawang miyembro ng banda. 

 

Mino-monitor pala ng entertainment websites sa South Korea ang mga post ni Leah tungkol sa K-pop bands, K-dramas, at K-movies at iniuulat din nila ‘yon. 

 

Ang isang halimbawa ay ang mahabang report ng kstarz.com nu’ng February 8 na ang titulo ay: “BTS singer got a special shoutout from Filipino singer and Broadway superstar Lea Salonga on Twitter.” 

 

Ang tweeted message ni Lea ay tungkol sa pakikipag-usap n’ya sa kanyang ina (Ligaya Salonga) sa mobile phone. Ibinalita sa kanya ng nanay n’ya na nanood siya ng K-drama series na “Hwarang: The Poet Warrior,” at parang kinilig na sinabi ng nanay n’ya na  “so cute” daw ang BTS member na si V na nasa cast ng palabas. 

 

Idinetalye ng ulat sa website ang iba pang nagdaang posts ni Lea tungkol sa paghanga n’ya sa BTS. Danny Vibas


  •  
  •  
  •