BTS nagpasalamat sa fans sa nominasyon sa Grammy

BTS nagpasalamat sa fans sa nominasyon sa Grammy

November 27, 2020 @ 1:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang South Korean pop band BTS sa fans nito sa nominasyon nito sa Grammy Awards.

Ito ay para sa 2020 hit single nitong Dynamite para sa best pop duo/group performance.

Ito ang kauna-unahang nominasyon ng isang Korean pop act sa nasabing kategorya sa award giving body na ito.

“Thank you to everyone who listened to and sympathised with our music,” ayon sa Twitter post ng grupo.

“Above all, it was [our fandom] Army who made the miracle of being a Grammy nominee possible. Thank you and love you, always. Thank you Recording Academy for this great honour!”

Pinakita rin ng grupo ang video nina Jimin, RM, Jungkook, at V nang mapanuod live ang nominasyon ng grupo.

Nitong nakaraang taon din ay nominated din ang album ng BTS na Love Yourself: Tear sa best recording package category ngunit nasungkit ito ni Willo Perron.

Sa kabila ng nominasyon, dismayado naman ang fans ng grupo dahil hindi ito napasama sa mas malalaking kategorya.

Ang 63rd Grammy Awards ay gaganapin sa Enero 31, 2021. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...