Pagtanggal sa ‘alarmist’ alert level metric nilinaw ni Duque

June 28, 2022 @3:12 PM
Views:
4
MANILA, Philippines- Sinabi ni Outgoing Health Secretary Francisco Duque III nitong Martes na ang two-week growth rate ng paglaki ng mga impeksyon ay hindi na kaugnay na hakbang sa pagtatasa ng sitwasyon ng COVID-19 sa isang lugar.
Kinakalkula ng two-week growth rate ng paglago kung gaano karaming mga kaso ang natala sa isang partikular na lokasyon sa nakalipas na dalawang linggo, pagkatapos ay inihahambing ito sa karaniwang pang-araw-araw na mga kaso dalawang linggo bago. Mula noong Setyembre 2020, ito ay kabilang sa mga batayan sa pagpapasya kung tataas o hindi ang pag-uuri ng panganib ng isang lugar.
Ngunit noong Hunyo 27, binasura ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukat na ito. Sa halip, sinabi nito na ang pag-uuri ng panganib ay ibabatay sa average daily attack rate (ADAR) — na tumutukoy sa bilang ng mga tao sa bawat 100,000 populasyon na nahawahan araw-araw — pati na rin ang paggamit ng pangangalagang pangkalusugan.
Ayon kay Duque, ang dalawang linggong sukatan ng growth rate ay nawalan ng kahalagahan at kaugnayan. Itinuring ng kalihim na hindi na ito kinakailangan at, sa isang punto, nakikita ito bilang isang “alarmist metric.”
“It was unnecessary. We are nimble and the IATF listens to our experts, and our experts are all in consensus na hindi na kailangan itong talagang [that we don’t really need this] two-week growth rate.”ani Duque.
“Kasi kung zero case ka tapos nagkaroon ka ng tatlo, 300 % na, high-risk ka na, e tatlong kaso lang. E, hindi naman na ito panahon na walang bakuna. Meron tayong bakuna at maganda ang masking natin,” paliwanag ni Duque.
Sa mga pagbabago, ang isang lugar ay nasa mababang panganib kung wala pang anim na tao bawat 100,000 ang nakakakuha ng COVID-19 araw-araw at kung, sa parehong oras, ang mga kama sa ospital at paggamit ng kagamitan ay mas mababa sa 50%.
Samantala, ang lugar ay tataas sa katamtamang panganib kung ang ADAR ay umakyat sa anim hanggang 18 katao sa bawat 100,000 populasyon habang 50% hanggang 70% ng mga healthcare resources ay ginagamit na rin.
“Sa tingin namin, ‘yung dalawang ‘yun na lang ang more accurate measure ng situation. So tinanggal ang isa, again to simplify para ‘di na mahirapan tayo,” sabi ni Duque said, at idinagdag na ang paggamit ng ADAR at pangangalagang pangkalusugan ay palaging isasaalang-alang.
Ang mga lugar sa Maynila na inilagay kamakailan sa ilalim ng moderate risk ay muling ibababa.
Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Sabado na ang Pasig, San Juan, Quezon City, Marikina, at Pateros ay tumaas sa moderate risk dahil sa kanilang dalawang linggong growth rate na higit sa 200%. Ngunit isa lamang ang may bahagyang pagtaas sa pagpasok sa ospital na higit sa 50%.
Ayon sa health chief, ang pinakamataas na ADAR sa Metro Manila nitong Martes ay 3 kada 100,000 populasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
2-day street, art festival aarangkada sa pagbubukas ng Angat Buhay NGO ni VP Robredo

June 28, 2022 @3:00 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Vice President Leni Robredo nitong Martes na ilalaan niya ang dalawang araw pagkababa sa pwesto sa paglulunsad ng kanyang anti-poverty Angat Buhay nongovernment organizationsa Hulyo 1 at 2 kung saan magkakasa ng street at art festival tampok ang mementos na ibinigay sa kanya ng mga taga-suporta sa 2022 presidential campaign.
“We are officially launching the Angat Buhay program at our Volunteer Center on July 1, 2022. To celebrate, there will also be a two-day street and art festival, where some of the pink memorabilia and artworks we received during the campaign will be featured,” pahayag ni Tobredo.
Nag-post din si Robredo ng link kung saan ang mga nais na personal na dumalo sa event sa gitna ng COVID-19 ay maaaring magpalista.
Subalit ang attendance slots ay agad na naubos, dalawang oras makalipas niya itong i-post.
Sinabi naman ni Robredo na ipalalabas nang live ang event para sa mga hindi makadadalo.
“For those who will not be able to join us, we will be setting up a live streaming link so that everyone can be part of this exciting new adventure for Angat Buhay,” dagdag niya.
Inilabas din ni Robredo ang listahan ng official social media pages ng Angat Buhay:
-
Facebook: https://facebook.com/angatbuhaypilipinas
-
Twitter: https://twitter.com/angatbuhay_ph
-
Instagram: https://instagram.com/angatbuhay
Nauna nang ihayag ni na hihingin muna niya ang permiso ng artis bago ibenta ang memorabilia na ibinagay sa kanya noong kampanya upang makakalap ng pondo para sa Angat Buhay NGO na aagapay sa mga komunidad na nangangailangan.
“We catalogued these paintings to classify which ones will go to Angat Buhay museum and which ones will be sold to raise funding for the Angat Buhay NGO so all of them could be of good use,” sabi ni Robredo. RNT/SA
COVID vax para sa onsite workers, regular testing para sa mga ‘di bakunado rekisitos ng IATF

June 28, 2022 @2:48 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Habang ang mga manggagawa sa bansa ay nagsisimula nang bumalik sa kani-kanilang trabaho, ang pandemic task force ng gobyerno ay nagbigay mandato sa mga employers na i-require ang kanilang onsite workers na magpabakuna laban sa virus.
Ito’y matapos na i-update ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Covid-19 testing policy ng bansa.
Sinabi ng IATF na ang pagbabakuna sa mga onsite workers ay dapat na mandatory sa mga lugar na may sapat na suplay ng bakuna.
Samantala, ang employers ay obligadong i-require ang kanilang mga unvaccinated onsite workers na sumailalim sa regular Covid-19 tests, lalo na sa RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) test isang beses kada dalawang linggo o weekly antigen test.
“Testing requirements shall be waived for areas under Alert Level 1, subject to the implementation of clinical-based management, including symptomatic testing. However, testing requirements shall be reinstated in areas under Alert Level 2 or higher,” ayon sa IATF.
“Employees in the public sector, including local government units, may cover the costs of the RT-PCR or antigen tests to be administered, subject to availability of funds, and civil service, accounting and auditing rules and regulations,” ayon pa rin sa IATF.
Exempted naman mula sa testing requirement ang mga manggagawa na may “recent Covid-19 infection within 90 days and those with alternative working arrangements that do not require onsite reporting.” Kris Jose
BI muling nagbabala vs human trafficking sa Middle East

June 28, 2022 @2:36 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Muling nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa sindikato ng human trafficking na nambibiktima ng mga bata, kababaihan, at mga manggagawa sa ibang bansa patungo sa Middle East at Gulf Regions.
Ang babala ni BI Commissioner Jaime Morente ay kasunod ng isang insidente na isang babaeng Indian ang ni-rescue dahil sa pagmamaltrato ng kanyang employer sa Kuwait.
“It is important that we do not take the issue of human trafficking lightly. This modern-day slavery is still very rampant, and it is happening both here and in other parts of the world,” ayon kay Morente.
Paliwanag ni Morente na karamihan sa mga human traffickers ay hinihikayat ang kanilang biktima sa mataas na sahod kahit na wala ito mga legal na dokumento.
“As a result, those victims of human trafficking are led up to experience compensation issues, or worse— mental and physical abuse abroad,” ayon sa BI Chief.
Ayon naman kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Head Timotea Barizo, pinaalalahanan niya ang publiko na maging mapagmasid sa mga nag-aalok sa kanila ng trabaho sa Middle Eastern countries kung saan mataas na sahod ang naghihintay sa kanila.
“Aspiring OFWs should practice caution and transact only with persons and agencies accredited by the government. If caught, those illegal recruiters and human traffickers are doomed to face imprisonment,” ayon sa kanya.
Sa datos, umabot sa 491 na mga mananakay ang inendorso ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na posibleng biktima ng human trafficking. JAY Reyes
Inagurasyon ni Marcos, simple, tradisyonal – PBBM camp

June 28, 2022 @2:24 PM
Views:
16