BuCor chief Bantag sinuspinde ni PBBM sa pagkasawi ng ‘middleman’ sa Lapid slay

BuCor chief Bantag sinuspinde ni PBBM sa pagkasawi ng ‘middleman’ sa Lapid slay

October 21, 2022 @ 11:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Suspindido si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting.

“I went to the President to tell him about this… he asked me to preventively suspend Undersecretary, Director General Bantag of BuCor, so that there may be a fair [and] impartial investigation on the matter,” ayon kay Remulla.

Wika pa ni Remulla, itinalaga niya si dating  Armed Forces chief of staff Gregorio Catapang Jr.  bilang  officer-in-charge ng Bucor.

Sa kabilang dako, siniguro naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na may mananagot kung mapapatunayang may foul play sa pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ani Abalos, nakakapanghinayang dahil pinaghirapan ng mga pulis ang kaso pero namatay ang itinuturong middleman sa kaso.

Nauna rito, kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na patay na ang middleman sa pagpatay kay Lapid.

Batay pa sa paunang impormasyon, nahirapan umano itong makahinga at idineklarang dead on arrival sa New Bilibid Prison hospital.

Samantala, sinabi pa ni Abalos na nagpapatuloy ang otopsiya sa mga labi nito upang matukoy kung ano ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng naturang middleman.

Pagtitiyak pa ng kalihim na walang magiging epekto sa Percy Lapid case ang pagkamatay ng sinasabing middleman na nasa loob ng Bilibid dahil nagti-triple kayod na ang kapulisan upang matukoy kung sino talaga ang mastermind o utak sa pamamaslang sa mamamahayag na si Lapid. Kris Jose