BuCor Dir. Dela Rosa, tatakbong governor ng Davao del Sur

BuCor Dir. Dela Rosa, tatakbong governor ng Davao del Sur

July 17, 2018 @ 5:39 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tatakbong governor ng Davao del Sur si Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa sa 2019 elections.

Ito ang kinumpirma ni dating Philippine National Police chief matapos nitong ilipat ang kanyang voter’s registration sa Santa Cruz sa Davao del Sur.

“Well that is in preparation for the incoming 2019 elections because the last instructions given to me by the president is for me to run as governor of Davao del Sur,” ayon kay Dela Rosa.

Matatandaang matagal nang sinasabi ng pinuno ng BuCor na ang desisyon ng pagtakbo niya sa eleksyon ay ipinauubaya na niya sa Pangulo.

Si Dela Rosa ay pasok sa ‘Magic 12’ ng katatapos lang na Pulse Asia Survey, kasama ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. (Remate News Team)