BuCor magkakasa ng on-the-spot drug test sa mga tauhan, preso sa 2023

BuCor magkakasa ng on-the-spot drug test sa mga tauhan, preso sa 2023

December 26, 2022 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang nitong Lunes na binabalak niyang magsagawa ng on-the-spot drug tests among their sa mga tauhan at persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison sa susunod na taon.

Sinabi ni Catapang na nagkaroon siya ng ideya nang tangkain ng bisita na magdala ng iligal na droga sa loob ng Bilibid.

“Kaya po nga next year, mag-on-the-spot drug test [kami] sa mga kawani at sa mga inmates o PDLs in coordination with PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) po,” aniya.

Kakasuhan ang mga tauhan na magpopositibo sa iligal na droga, base kay Catapang. Ang mga PDL naman na magpopositibo sa drug test ay magkakaroon ng mas mahabang sintensya, aniya pa.

Gayundin, inihayag niya na magsasagawa siya ng safe management seminar upang pagbutihin ang mindset ng BuCor personnel.

“Pipilitin ko pong baguhin ‘yung kaisipan ng mga tao dito. Kasi ang kaisipan po dito, ‘what is it for me?’ Kailangan baguhin nila po ‘yun, ‘what is it for the BuCor?’ giit niya.

Nasiwalat ang mga iregularidad sa BuCor matapos umupo si Catapang bilang pinuno ng ahensya. RNT/SA