BuCor magtatayo ng HQ sa Masungi

BuCor magtatayo ng HQ sa Masungi

February 17, 2023 @ 5:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magpapatayo ng bagong headquarters ang Bureau of Corrections (BuCor) sa bahagi ng Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Ito ang kinumpirma ni BuCor acting Director General Gregorio Catapang matapos umalma ang Masungi Georeserve Foundation dahil ilang BuCor personnel ang nagpunta kahapon (Nov 16) sa lugar para magsagawa ng site inspection para sa gagawing relokasyon ng Bucor.

Sinabi ni Catapang na gagamitin ang naturang lugar bilang BuCor headquarters batay sa five (5) year development plan ng ahensya.

Ang naturang property aniya ay papatayuan ng bahay ng mga kawani nito at pagpapatupad ng land use development plans at policies ng BuCor para sa basic institutional food requirements.

Iginiit ni Catapang na may karapatan ang Bucor na magsagawa ng occular inspection sa lugar bilang registered owner ng naturang property maliban na lamang kung kwestyunin ito sa korte.

Ang Masungi Georeserve ay isang conservation area sa southern Sierra Madre range sa Baras,Rizal malapit sa Tanay. Teresa Tavares