Bucor, Masungi nagpulong; Pagtatayo ng pasilidad sa georeserve, tinalakay

Bucor, Masungi nagpulong; Pagtatayo ng pasilidad sa georeserve, tinalakay

March 2, 2023 @ 6:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Masungi Georeserve Foundation sa Bureau of Corrections para talakayin ang planing pagtatayo ng pasilidad sa protected area.

Nagtungo ang Masungi delegation, na pinangunahan ni trustee Ann Dumaliang, sa New Bilibid Prison nitong Miyerkules para harapin si BuCor Acting Chief Gregorio Catapang Jr. para sa closed-door dialogue.

“They were able to present their plans, we listened to those,” paglalahad ni Dumaliang.

Sinabi niya na ipinakita ng BuCor ang general plans nito para sa ahensya, kabilang ang regional development sa iba pang site.

Idinagdag ni Dumaliang na bagama’t hindi natalakay ang “plans for the Tanay area”, sinabi ng Bucor na 2026 ang kanilang target “moving date for some of the people deprived [of] liberty.”

Nagtakda muli ng pulong sa Masungi ngayong Marso, kung saan inaasahan na makikita ni Catapang ang “rich biodiversity” ng site.

“They said nothing is set in stone yet, this is still being explored, so we hope to be able to present our side next time,” ani Dumaliang.

Kasado ang Senate hearing sa March 7 para pag-usapan ang plano nge BuCor na magtayo ng farming facility sa Masungi Georeserve.

Nitong Lunes, nagtungo si Catapang sa lugar subalit hindi niya ito ginalugad.

“We’re listening to each other, we hope the door is still open for that. Our position remains the same. It is a sensitive area and it has to be prioritized for conservation, above all else,” sabi ni Dumaliang.

“Sana hindi makompromiso ang lugar na ito, sana we can work collaboratively, sana hindi maging cause ng divide ang mga ganitong bagay,” patuloy niya.

Nananatili namang positibo si Dumaliang na makatutulong ang Senate inquiry para matalakay ang mga isyu.

Nais din niyang makipagdayalogo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tulungan silang mapangalagaan ang protected area.

“To PBBM, please help us protect this place, please help us arrive at a conclusion where none needs to be compromised, having the background in solving the climate crisis and that as a priority plan of the administration. We could really use the guidelines of the President and have an audience with him,” aniya.

Sa isang mensahe, inihayag ni Catapang na anging produktibo ang pulong.

“We will schedule the meeting in Ann’s place,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Catapangna kokonsulta siya sa expert urban planners at environmentalists hinggil sa plano. RNT/SA