BuCor nagsimula nang tumanggap ng mga tauhan

BuCor nagsimula nang tumanggap ng mga tauhan

November 8, 2022 @ 3:26 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagtanggap sa 1,000 corrections officers at 137 non-uniformed personnel upang paigtingin ang manpower sa prison facilities nito sa buong bansa.

Inanunsyo ng BuCor na ang one-stop-shop recruitment booth ay magpapatuloy hanggang Nov. 18 sa national headquarters nito sa Muntinlupa City.

Sinabi nito na tumatanggap ito ng “committed and qualified individuals who carry with them the spirit of integrity, vigilance, God-fearing, and innovativeness.”

“Come and join the BuCor in attaining its volition and vision of a Modernized Institution and Correctional Facility in the Philippines through the restoration of ethics, fair-mindedness, orderliness, righteousness, and morale,” dagdag nito.

Nauna nang inilagay ni BuCor Officer-in-Charge Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa ilalim ng floating status ang mahigit 50 BuCor officials at personnel na ipinasok ni suspended BuCor Director General Gerald Q. Bantag mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Inilahad ni Catapang na sinisilip niyang ibalik sila sa BJMP.

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagsasagwa ng imbestigasyon sa BJMP officials at personnel na dinala ni Bantag sa BuCor.

“They were absorbed from BJMP into BuCor and were given very high ranks despite their low ranks in BJMP,” sabi ng DOJ at DILG.

“This violated Item 15 of Civil Service Commission Memorandum Circular No. 3, Series of 2001 which prohibits the promotion of an employee to a position more than three (3) salary grades above his or her former position,” dagdag ng mga nasabing ahensya. RNT/SA