BuCor nanindigan sa namatay na middleman, ‘walang foul play’

BuCor nanindigan sa namatay na middleman, ‘walang foul play’

October 21, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanindigan ang Bureau of Corrections (BuCor) na walang foul play sa pagkamatay ng itinuturong “middleman” na nasa loob mismo ng New Bilibid Prison (NBP).

Ang itinuturong middleman ang siya umanong kumuha sa killer upang patayin ang broadcaster na si Percy Lapid o Percival Mabasa sa tunay na pangalan.

Kinumpirma ni BuCor Deputy Director General Gabriel P. Chaclag na ang pagkamatay ni Jun Villamor (Crisanto Palana Villamor), ang suspek sa pagpatay kay Mabasa, ay namatay sa natural causes.

Ayon kay Chaclag, sa inisyal na resulta ay lumabas na walang senyales ng anumang physical, external injuries na indikasyon aniya na natural ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang opisyal at pinal na autopsy result kasama ang toxicology test para makumpleto na ang autopsiya sa sinasabing middleman. Teresa Tavares