BuCor project sa Masungi, tuloy ‘pag oks sa mga eksperto – Catapang Jr. 

BuCor project sa Masungi, tuloy ‘pag oks sa mga eksperto – Catapang Jr. 

February 21, 2023 @ 5:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang Jr. nitong Martes na kapag inaprubahan ng urban planning experts, itatayo ang bagong headquarters ng bureau sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

“I will recommend that we push through with it, without violating the ecological environment,” tugon niya nang tanungin kung ano ang gagawin niya kapag nagbigay ng go–signal ang mge eksperto sa pagtatayo ng headquarters sa lugar.

Base kay Catapang, ilan sa mga eksperto ang mula sa University of the Philippines (UP) School of Urban and Regional Planning.

“I’m not an expert in urban planning or in environment, so I’m asking our experts, some of them are from UP, to help us,” pahayag ni Catapang.

Tiniyak naman ni Catapang sa publiko na 20 hanggang 30 ektarya lamang ang gagamitin ng BuCor mula sa 270 ektarya, at sa mga bakanteng espasyo lamang umano ito sa paanan ng bundok.

Kasunod ito ng kritisismo sa plano ng BuCor na magtatag ng headquarters sa Masungi, dahil sa conflicting legal claims. Subalit, ang titulo ng lupa ay hawak ng bureau.

Subalit, sa naunang pahayag, iginiit ng Masungi Georeserve na “unbuildable” ang lugar dahil sa mountainous ranges nito. Inihayag din ng pamunuan ang pagkabahala na delikado ang konstruksyon sa kapaligiran. RNT/SA