BuCor tumanggap ng 530 bagong correction officers

BuCor tumanggap ng 530 bagong correction officers

December 29, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanumpa ang kabuuang 533 bagong Correction Officers 1 nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Inihayag ng BuCor na itatalaga ang 289 sa New Bilibid Prison (NBP) habang ilalagay naman ang 119 sa Davao Prison and Penal Farm.

Pinangunahan ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. ang oathtaking ceremony.

“This is not a walk-in-the-park training. We will ensure na importante ‘yung virtues… And then hopefully, bago kayo mag graduate, pa-injectionan namin kayo ng anti-corruption vaccine,” pahayag ni Catapang.

Inilahad din niya na maraming hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa BuCor.

Sa mga nakalipas na buwan, naharap ang BuCor sa mga kontrobersiya kasunod ng pagkamatay ni Jun Villamor, ang itinuturong middleman sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid. RNT/SA